Mayor Joy Belmonte, handang tuldukan ang HIV cases sa Quezon City
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa nang tuldukan ng Quezon City government sa pangunguna ni Mayor Belmonte ang kaso ng HIV sa lungsod.

Ito ay nang ilunsad ni Belmonte kasama ang mga opisyal ng QC ang ZERO at 2030 campaign para labanan ang sakit na HIV sa Seda Vertis QC.

“The Philipines is number one in terms of the rate of increase in HIV and as the countrys most populated city, we comprise 10 percent  of all new cases. About 2 people a day get HIV in QC. I am taking on the challenge of fighting this disease in our beloved city”, pahayag ni Belmonte.

Sa tala ng DOH, isang kaso ng AIDS ang naitatala sa bansa sa kada isang oras at 95 percent sa mga nagkaka-AIDS ay mga lalaki.

Sa mahigit 20,000 HIV at AIDS cases, ang pinaka maraming kaso ay mula sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Cebu at Davao na ang number 1.

Kahapon, nagpa-AIDs test sina Mayor Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto at mga konsehal sa lungsod, gayundin ang iba pang opisyal bilang pagsuporta sa kampanya laban sa naturang sakit.

Sa QC, may naitalang mahigit 8,000 kaso ng AIDS na karamihan dito ay mga professionals.

Karamihan sa mga biktima ng sakit ay kinakalinga sa Klinika Bernardo sa Novaliches QC para matulungang malunasan ang sakit.

Ang Klinika Bernardo ay kumakalinga sa mga lalaking may aids samantalang ang QC general Hospital naman ang kumakalinga sa mga kababaihang may aids.

“QC recognizes the problem, we allocate funds for it at kaya po nagkaroon ng Klinika Bernardo ay para rito natin sila aalagaan. We treated them as friend, treated with respect and ensure health services” pahayag ni Belmonte.

Ang QC ang kauna unahang lokal na pamahalaan sa buong bansa na may klinika na handang ayudahan ang mga taong may sakit na HIV- AIDS kaya’t tumanggap ng pagkilala at parangal mula sa iba’t ibang sektor dahil sa kampanya at pagtutok sa problema sa nabanggit na sakit.

HIV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with