Ang biktima ay nakilalang si Henrich Villarosa Escudero, 33, at residente ng Libra St., Sierrra Vista Subd., Cupang, Antipolo Rizal.
File
Grab driver pinatay ng pasahero
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang Grab driver makaraang barilin sa ulo ng pasaherong nagpa-book sa kanya sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Henrich Villarosa Escudero, 33.

Ang duguang bangkay ng biktima ay natagpuang nakalugmok sa driver’s seat ng minamanehong Toyota Vios at may tama ng bala ng? baril sa likuran ng ulo, bandang alas-5:00 ng madaling araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, unang inireport sa QCPD Traffic Sector 3 na sumalpok ang minamanehong sasakyan ng Grab driver sa konkretong barrier habang binabaybay nito ang kahabaan ng Katipunan Ave., at nag-u-turn sa harap ng MWSS patungong CP Garcia Avenue sa lungsod.

Agad na isinugod ang biktima sa Quirino Medical Center subalit idineklara itong dead-on-arrival bandang alas-6:07 ng umaga ni Dra. Gizelle Estrella, sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Dito ay agad na ipinagbigay alam ng QCPD Traffic Sector 3 sa CIDU na hindi dahil sa aksidente o pagkabangga ng sasakyan ang ikinamatay ng driver, kundi binaril ito sa ulo.

Sa pagsisiyasat naman ng CIDU ay nakita nila sa cellphone sa sasakyan ng biktima ang pangalan ng huling pasahero nito sa pamamagitan ng Grab account at Facebook account logged na posibleng suspek sa pagpatay sa driver.

Gayunman, pansamantalang hindi binanggit ng mga awtoridad ang pangalan ng huling pasahero ng biktimang Grab driver habang tinutugis ito.

GRAB PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with