^

Metro

Divisoria vendors, nagrali sa City hall

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Divisoria vendors, nagrali sa City hall
Tinangkang burahin ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga isinulat ng mga pasaway sa electric box na nakaharap mismo sa Manila City hall, kahapon na lalong ikinagalit ng alkalde.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sumugod sa harap ng Manila City Hall ang grupo ng Divisoria Vendors’ Association (DVA) upang kondenahinang isinagawang clearing operations sa Ylaya kama­kailan.

Ayon sa mga vendors, ipaglalaban nila ang kanilang kabuhayan at karapatan matapos silang pagbawalang magtinda sa nasabing lugar.

Bunsod naman ito ng surprise inspection ni Manila Mayor Isko Moreno sa Ylaya Binondo side kung saan nadismaya ang alkalde nang madatnang napakarumi.

Ayon sa mga vendor, ma­rami sa kanila ang nawalan ng hanap-buhay na pinagkukunan ng pangsuporta sa kanilang pamilya simula nang magsagawa ng clearing operation noong buwan ng Hunyo.

Ilan sa mga vendor ay bitbit pa ang kanilang mga voters ID na patunay na sila ay taga- Maynila.

Nauna na ring hiniling ng grupo na magkaroon ng dayalogo kay Moreno ngunit sinabi ng alkalde na nabigyan na niya nang pagkakataong makapagtinda ang mga vendor sa Ylaya ngunit sinayang lamang nila ito.

Binigyan diin naman ni Moreno na ipinatutupad lamang nila ang tama at pamamahala.

vuukle comment

DIVISORIA VENDORS’ ASSOCIATION

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with