7 Chinese timbog sa tangkang pagkidnap sa kanilang kababayan
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Manila  Police District (MPD) ang pitong  Chinese na nagtangkang kumidnap sa kanilang kababayan, kamakalawa ng gabi sa labas ng isang hotel sa Quiapo, Maynila.

Agad na dinala sa MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga suspek na sina Fen Xiu TIan, 24; Kang Xin Hang, 30;  Li Dong, 22; Yao  Shu 22 ; Li You Bang, 28; Li Binf, 20; at Chan  Dang, 28 pawang residente ng 20th Floor Medical Plaza na matatagpuan sa Amorsolo St., corner Dela Rosa St., Legazpi Village, Makati City.

Sa imbestigasyon, alas-6:20 ng gabi nang maganap ang tangkang pagdukot sa mag-asawang mga biktima na sina  Xu Jun, 30, Chinese National; at Chloe Yuan, 35.

Nabatid na nakatakda umano ang dalawang biktima na mag-check in sa nabanggit na hotel pero fully book.

Sanhi nito, inatasan nila ang isang empleyado ng hotel  na magpa- book sa Grab para ihatid na lamang sila sa isang hotel sa Las Piñas City. 

Nang dumating ang sasakyan ay doon sila mabilis na kinalakdad ng mga suspect patungo sa loob ng  nakaabang na Toyota Hi-ace Grandia na kulay  silver.

Nakita ng ilang testigo ang nangyaring komosyon at kaagad na naitawag sa Plaza Miranda PCP na kaagad na nakapag responde kaya naaresto ang mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman  sa utang sa casino ang dahilan ng tangkang pagkidnap sa dalawang biktima.

Nakadetine ngayon sa MPD-GAIS ang mga suspek at inihahanda ang kasong kidnapping.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with