Ginang patay sa sunog sa Taguig
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang makaraang makulong sa loob ng nag­liliyab niyang bahay sa sunog na naganap sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Rose Franco, 39, may-ari ng nasunog na bahay sa may Dimasalang Street sa Brgy. Hagonoy, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Taguig City, ala-1:10 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa hilera ng bahay sa Dimasalang Street.  Tatlong bahay ang nasunog kabilang ang bahay ng pamilya Franco.

Nagawang makalabas ng bahay at makaligtas ang tatlong anak at mga magulang ni Franco ngunit hindi na nakalabas ang biktima nang mabilis na kumalat ang apoy.

Alas-2:25 na ng madaling araw nang maapula ang apoy at magdeklara ng ‘fire-out’ si F/Supt. Randolf Bidess, fire marshall ng Taguig Fire Department. 

Walong pamilya ang naapektuhan sa sunog habang inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng apoy at ang kabuuang halaga ng pinsala sa ari-arian.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with