Inaresto ang isa sa anim na suspek na na­kilalang si Xiao Ming Wei, nangungupahan sa isang hotel sa may Ayala Southland, Legaspi Village, Makati City.
STAR/File
5 Chinese dinukot, ginahasa ng 6 na kababayan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang buwang pananahimik, lumantad kahapon at inireklamo ng isang babaeng Chi­nese ang  anim na la-laki niyang kababayan na dumukot umano sa kanya at apat pang ka-ibigan saka sila halinhinang ginahasa sa isang hotel sa Makati City.

Inaresto ang isa sa anim na suspek na na­kilalang si Xiao Ming Wei, nangungupahan sa isang hotel sa may Ayala Southland, Legaspi Village, Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police, isinalaysay ng 24-anyos na bikti­ma na itinago sa alyas na Lucy na naglalakad siya at apat na kaibigang babae sa tapat ng isang casino-hotel sa may New Seaside, Parañaque City noong Setyembre 9 ng mada-ling araw nang sumulpot ang mga suspek at isakay sila sa isang van.

Dinala sila ng mga suspek sa hotel sa Makati City saka doon sila halinhinang ginahasa ng mga kababa-yan na Tsino. Nagawa lamang nilang makatakas nang iwanan silang lahat ng mga suspek.

Dahil sa takot buhat sa pagbabanta ng mga suspek kaya hindi kaagad nagawang makapagsuplong ng mga biktima. Ngunit nang hindi na maka-yanan, saka lamang nagkalakas loob na lumantad si alyas Lucy at iulat ang nangyari sa kanya sa Makati City Police.

Dito na nagkasa ng operasyon ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Xiao.

Nahaharap nga-yon sa kasong forci­ble abduction at rape ang nadakip na si Xiao sa Makati City Prose­cutor’s Office habang pinaghahanap pa ang ibang mga suspek na hindi muna pinangalanan.

 

 

KIDNAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with