70 cellphones ng mga empleyado ng POGO, tinangay ng sekyu
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tugis ngayon ng pulisya ang isang security guard na hinihinalang tumangay sa mga cellular phones na aabot sa 70 piraso na pag-aari ng mga empleyado ng isang kompanya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Joefrey Vergara, 32, security guard ng PITX Tower 1 sa may Brgy. Tambo, ng natu-rang lungsod.  Inireklamo siya ni Peng Chen, 31, Chinese national, general manager ng PITX Tower 1.

Sa ulat, alas-2:30 kahapon ng mada-ling araw nang iulat ni Peng ang insidente nang pagnanakaw sa kanilang tanggapan sa Parañaque City Police na unang nadiskubre dakong alas-10 ng umaga nitong nakaraang Lunes.

Nabatid na isinusuko ng mga empleyado ng POGO ang kanilang mga cellular phones bago pumasok sa trabaho at inilalagak ang mga ito sa Unit 588.  Nang matapos ang duty, dito nadiskubre ng mga empleyado na nawawala na ang kanilang mga telepono.

Nang panoorin ang kuha ng CCTV (closed circuit television) sa ikalimang palapag, dito nakita ang security guard na si Vergara na siyang labas-pasok sa loob ng Unit 588.

Hindi na mahagilap si Vergara matapos ang insidente dahilan para tuluyang iulat na ito sa pulisya.  Nahaharap ngayon sa kasong qualified theft ang suspek.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with