Ayon ito kay QC Mayor Joy Belmonte na naglalayong ma-decentralized ang mga proseso ng mga papeles sa QC hall at tuloy hindi na magtungo pa sa city hall ang mga taga-lungsod para magbayad ng buwis o makakuha ng kailangang dokumento.
Boy Santos/File
Mini city hall, ilalagay sa mga distrito sa Quezon City -- Mayor Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maglalagay ang Quezon City government ng mga mini city hall sa mga distrito sa lungsod.

Ayon ito kay QC Mayor Joy Belmonte na naglalayong ma-decentralized ang mga proseso ng mga papeles sa QC hall at tuloy hindi na magtungo pa sa city hall ang mga taga-lungsod para magbayad ng buwis o makakuha ng kailangang dokumento.

“We can start by reques-ting our city councilors to rationalize the Novaliches District Center and add more plantilla positions”, pahayag ni Belmonte.

Una rito, nagkaroon na ng kasunduan si Belmonte  sa pagitan ng Robinsons Malls upang magamit ding lugar ang naturang mga malls sa pagbabayad ng buwis at iba pang tran-saksiyon sa lokal na pamahalaan.

Iniulat din ni Belmonte na nasa proseso na ang pag-digitilize ng mga dokumento ng iba’t ibang mga departamento upang agad makakuha ng impormasyon ang mga taga-lungsod online.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with