‘Black protest’ isinagawa ng mga militanteng grupo
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iba’t ibang militanteng grupo ang nagsagawa ng ‘black protest’ sa  harapan ng Manila Police District (MPD) Headquarters  na naglalayong igiit ang pagpapalaya sa tatlong aktibista na dinakip nang salakayin ang  tanggapan ng militanteng grupong Bayan, noong Nobyembre 5 ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Pinangunahan ng Bayan  ang rali  bitbit ang  tarpaulins na may nakasaad na “Stop the attack, Defends People’s Right” na panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang mga bilanggong politika.

Gayundin, hiniling ng  grupo na itigil ang pag-atake laban sa kanilang grupo at itigil ang pagtatanim ng mga ebidensya sa mga tanggapan ng iba’t ibang organisasyon.

Nabatid na ang mga naaresto ay sina  Ram Carlo Paculba Bautista, Manila Campaign Director ng Bayan;  Alma Estrada Moran, secretariat ng Manila Workers Unity, at Reina Mae Asis Nasino na Manila Coordinator naman ng Kadamay.

Ang tatlo ay inaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa Bayan Manila office na matatagpuan sa 672 Flora Street, kanto ng Clemente Street sa Tondo, ala-1:15 ng madaling araw noong Nobyembre 5.

Bitbit ng mga pulis,ang search warrant no. 5945 (19) sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at SW # 5944 (19) sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal possession of explosives) na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert, ng Branch 89, ang mga awtoridad nang isagawa ang raid.

Nakarekober din ang mga pulis ng  ilang armas, na kinabibilangan ng isang bushmaster caliber 5.56 xm15-E26 with serial number (SN) L098028; dalawang short magazine for cal. 5.56 mm; 45 pirasong live ammo for caliber 5.56 mm; isang colt MK4 Series 80 caliber 45 with SN 772535; isang magazine para sa caliber 45; walong live ammunitions para sa caliber 45; isang colt automatic caliber 45 na may SN 753234; isang  magazine para sa kalibre 45; walong live ammunition para sa kalibre 45; at dalawang hand grenade. Nakuha rin naman ng mga pulis  mula sa tanggapan ang mga bag, iba’t ibang uri ng cellphones at mga laptops.

BLACK PROTEST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with