2 kawatan na nagpatubos ng kinarnap na kotse ng Koreano, arestado
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang mga propesyunal na swindler sa isang entrapment operation ng Parañaque City Police nang tangkaing ipatubos sa isang negosyanteng Korean national ang kanyang kinarnap na kotse ng huli,  kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga nadakip na sina Analiza Gayamo, 49, isang real state broker at Ruperto Liquiran, alyas Feng, 49.  Pinaghananap naman ang isa pa nilang kasabwat na nakilala lamang sa alyas na Erwin.

Sa salaysay ng biktimang si Sungsu Kim, 48, nabigo ang kanyang tsuper na si alyas Erwin na ibalik sa kaniyang parking space sa City of Dreams sa Parañaque City ang kaniyang Ford Everest SUV noong Nobyembre 5. 

Hindi na niya makontak si Erwin hanggang sa nitong Nob­yembre 7 dakong alas-11 ng umaga nang tumawag sa kaniya ang mga suspek at nanghingi ng tinatayang P350,000 para maisauli sa kaniya ang sasakyan.

Dito nagsuplong ang biktima sa PNP Maritime Group na nag-refer sa kaso sa Anti-Carnapping Unit ng Parañaque City Police. Agad nagplano ang pulisya ng entrapment operation saka nakipagkasundo si Sungsu na makipagkita sa mga suspek.

Alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang magkita ang biktima at mga suspek sa harap ng isang fastfood restaurant sa may Macapagal Avenue sa Brgy. Tambo, Parañaque. Matapos na tanggapin ng mga suspek ang marked money sa suspek, dito na sumulpot ang mga pulis at ipinatupad ang pag-aresto sa dalawa.

Bigo naman ang mga pulis na marekober ang behikulo ng biktima ngunit patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon at operasyon upang madakip ang driver ng biktima.  Nahaharap naman ngayon sa kasong “Robbery Extortion” ang mga nadakip na suspek.  

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with