Sa report ng Bureau of Fire Protection, alas-11:50 ng tanghali nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay sa Quiricada St., na pag-aari ng Jennifer Garcia na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.
Kuha ni Michael Varcas
Sunog sa Maynila, 100 bahay tupok
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Umaabot sa 100 kabahayan ang tinupok ng apoy na sumiklab sa isang residential area sa Quiricada St., Sta.Cruz, Maynila.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, alas-11:50 ng tanghali nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay sa Quiricada St.,  na pag-aari ng Jennifer Garcia na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.

Mahigit 264 na pamilya  ang naapektuhan sa sunog  matapos matupok ang kanilang mga bahay na gawa sa light materials dahilan din kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Nabatid kay  Manila Disaster Risk Reduction Management  Office chief Arnel Angeles ang nasunog na residential area  ay likuran lamang ng Manila Central Fire Station at harap  ng San Lazaro Hospital, ligtas naman sa insidente ang kalapit na Health Center.

Ayon kay Fire Sr/Supt Rodolfo Denaga, sugatan sa insidente ang fire volun­teer na si John Rodrigo Tapa, 23, na nagtamo ng sugat sa kanang kamay at nalunasan na rin ng Phil Red Cross

Nahirapan aniya ang mga bumbero na pasu­kin ang lugar kung saan nasa looban ang bahay na pinagmulan ng sunog dahil sa masikip na eskinita.

Dakong ala- 1:37  ng tanghali nang  ideklarang fire under control ang sunog na umabot sa Task Force Bravo ang alarma na puminsala sa tinata­yang P800,000 na halaga ng mga ari-arian.

 

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with