Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig. General Bernard Banac, nakatanggap sila ng impormasyon na ibinebenta ng mga pulis sa mga preso ang mga kontrabado.
Edd Gumban
14 pang pulis sa Bilibid, iniimbestigahan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Dahil sa pagkakapasok ng mga kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP), labing-apat na pulis ang isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig. General Bernard Banac, nakatanggap sila ng impormasyon na ibinebenta ng mga pulis sa mga preso ang mga kontrabado.

“May mga natanggap na ulat na diumano ay may mga pulis na naman na siyang sangkot sa pagpapasok ng mga kontrabado diyan sa bilibid at kaagad ito ay pinaim­bestigahan na at makakaasa ang ating mga kababayan na hindi natin ito hahayaan or hindi itotolerate itong mga ilegal na gawain,” sabi  ni Banac.

Sinabi pa ni Banac, nalulungkot siya dahil sa kabila ng puspusang reporma upang maibalik ang tiwala ng mamamayan sa pulis dahil sa kontrobersyal na “ninja cops” na inimbestigahan sa Senado kung saan pa nadawit si da­ting PNP chief Oscar Alba­yalde ay mayroon din silang mga kasamahan na gumagawa ng diskarte at ilegal na bagay para sa kanilang sariling kapakanan.

Aniya, hindi naman umano perpekto ang organisayon at talagang may mga pasa­way subalit hindi umano sila titigil hanggat hindi makakasuhan ang mga tiwaling pulis at tuluyang masibak sa ser­bisyo.

NEW BILIBID PRISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with