Inisyal na naki­lala ang nasawi na si James Bantasan, 24, habang isinugod naman sa Ospital ng Navotas ang mga sugatan na sina Mercy Abero, 49 at si Lester Razon, 38.
File
Navotas fire: 1 patay, 700 pamilya apektado
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isa ang patay habang dalawa ang nasu­gatan nang maabo sa malaking sunog ang higit 700 pamilya ang naapektuhan sa Market 3 Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Inisyal na naki­lala ang nasawi na si James Bantasan, 24, habang isinugod naman sa Ospital ng Navotas ang mga sugatan na sina Mercy Abero, 49 at si Lester Razon, 38.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Navotas City, alas-2:30 ng madaling araw nang unang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Rogelio Puntial sa may Market 3 Fishport Complex sa Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

Dahil sa marami sa mga bahay ay gawa sa light materials, agad na kumalat ang apoy at mabilis na umakyat sa ikatlong alarma ang sunog dakong alas-2:35 na umabot pa sa 5th alarm dakong alas-2:45 ng madaling araw.

Nakontrol ng mga bumbero ang pagkalat ng apoy dakong alas-4:07 na ng mada­ling araw at tuluyang nagdeklara ng fire-out dakong alas-6:11 ng madaling araw makalipas ang halos apat na oras na pakikipaglaban sa apoy ng mga bumbero.

Blangko pa sa sanhi ng apoy na patuloy na inaalam ng mga arson investigators. Tinataya naman na nasa P1 milyon ang halaga ng ari-ariang natupok.

Sa ulat ng BFP, aabot sa higit 700 pamilya ang nawalan ng tirahan na nagsisiksikan ngayon sa itinakdang evacuation area sa naturang barangay. 

Agad naman na pi­nakilos ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang kanilang City Di­saster Risk Reduction Management Council na nagpamahagi ng mga “temporary shelters”, pagkain, relief goods, gamit sa pagtulog at hygiene kits sa mga biktima habang nanawagan sa publiko ng pagkakaisa sa pagtulong sa mga pamilyang biktima.

“As we extend our condolences and comfort to the survivors, let us also give them our help and support,” ani Tiangco. “Let us keep the survivor families in our prayers.  Let us also ensure that we keep our  homes and establishments safe from fire”.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with