^

Metro

Dami ng pasahero ng MRT-3, target madoble

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dami ng pasahero ng MRT-3, target madoble
Sinabi ni MRT-3 Director for Operations, Engineer Michael Capati, mula sa kasalukuyang 300,000, ay nais nilang gawing 600,000 ang kanilang passenger capacity araw-araw.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 na target nilang madoble ang mga pasaherong sumasakay sa MRT-3.

Sinabi ni MRT-3 Director for Operations, Engineer Michael Capati, mula sa kasalukuyang 300,000, ay nais nilang gawing 600,000 ang kanilang passenger capacity araw-araw.

Kumpiyansa na si Capati na maaabot nila ang naturang target, sa pamamagitan nang pag-rehabilitate sa kanilang mga riles, pag-upgrade ng kanilang signalling system, at pagdaragdag ng bilang ng mga operational nilang mga tren.

Aniya, dadagdagan nila ang kasalukuyang 15 running trains ng hanggang mahigit 20.

Inaasahan din aniyang mababawasan ang passengers’ travel time dahil plano nilang dagdagan ang kanilang train speed, at gawin itong 60 kilometers per hour (kph) mula 30 kph lamang.

Sa sandali aniyang maisagawa ang mga naturang pagbabago, ang headway o waiting time ng mga pasahero sa platform ay magiging 3.5 minuto na lamang, mula sa dating 7.5 minuto.

Ibinida rin ni Capati na naging maganda ang initial test run ng Dalian train, na sinimulan nilang ibiyahe nitong Martes ng gabi, sa riles ng MRT-3.

Ipinaliwanag ni Capati na bagama’t tatlong set na ng Dalian tren ang nakakumpleto ng commissioning at validation tests, ay gagawin lamang nilang gradual o unti-unti ang deployment ng mga ito.

 

 

vuukle comment

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with