Ayon sa Light Rail Transit Authority, ito’y sa sandaling maisakatuparan na ang kanilang LRT-2 West Extension Project, na popondohan ng P10.1 bilyon ng pamahalaan, at target na makumpleto sa 2023.
File
3 pang istasyon idadagdag sa LRT-2
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Tatlong bagong istasyon ang maidadagdag sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) patungo sa shopping district ng lungsod ng Maynila.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ito’y sa sandaling maisakatuparan na ang kanilang LRT-2 West Extension Project, na popondohan ng P10.1 bilyon ng pamahalaan, at target na makumpleto sa 2023.

Nabatid na sa ilalim ng proyekto, magtatayo pa ng tatlong bagong LRT-2 stations, sa Tutuban, Divisoria, at Pier 4 sa Maynila.

Sakali umanong matapos na ang konstruksiyon ng proyekto ay aabutin na lamang ng limang minuto ang biyahe ng mga commuters mula Recto Station hanggang Pier 4, habang ang travel time mula Masinag hanggang Pier 4 naman ay hindi lalampas ng isang oras.

Ayon naman kay LRTA Administrator Reynaldo Berroya, sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahan nilang madaragdagan pa ng 16,000 ang mga pasaherong maisasakay ng LRT-2 araw-araw, mula sa kasalukuyang 220,000 hanggang 240,000 pasahero na kanilang napagsisilbihan.

Samantala, Inianunsyo naman ng LRTA na simula ngayong araw ng Lunes, Oktubre 14, ay mas pinaaga na nila ang operating hours ng mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon sa pamunuan, upang mas maraming pasaherong maisakay, gagawin na nilang 5AM ang mga ­unang biyahe ng LRT-2, mula sa dating 6AM buhat nang magkaaberya sa rectifier substation nila sa Katipunan, Quezon City.

Balik na rin ngayong Lunes ang morning free student rides, ngunit ito’y mula 5AM hanggang 6AM lamang, habang 3PM-4PM naman ang libreng sakay sa hapon.

Target naman ng LRTA na maibalik sa normal ang biyahe ng naturang rail line sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

LRT2
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with