Rider, patay sa hit and run
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2019 - 12:00am

Isang motorcycle rider ang nasawi nang mabiktima ng hit and run sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

 Ang biktimang si Joseph Vasquez Orolfo, 41, at residente ng   Motojo St., Tenejeros, Makati City ay kaagad na binawian ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

 Batay sa ulat ng Traffic Sector 5, ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-4:10 ng madaling araw nang maiulat sa pulisya ang aksidente na naganap sa  northbound lane ng Commonwealth Avenue, tapat ng New Capitol State Subdivision, Brgy. Batasan, Quezon City.

 Sa imbestigasyon, galing ang minamanehong motorsiklo ni Orolfo sa Philcoa patungo sa direksiyon ng Fairview, at pagsapit sa tapat ng nasabing subdivision, bigla na lamang siyang sinalpok ng hindi pa malamang uri ng sasakyan.

Dead-on-the-spot ang biktima habang wasak din ang kanyang Honda Wave Motorcycle (KM-3684).

Sa halip namang huminto, tinakasan pa ng driver ng sasakyang nakabangga sa kanya ang biktima.

 Inaalam pa ng mga awtoridad sa pamamagitan ng CCTV kung anong sasakyan ang nakabangga sa biktima upang makilala ang suspek sa pangyayari. 

 

MOTORCYCLE QCPD QUEZONCITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with