Bebot tinodas ng kaalitan

MANILA, Philippines — Isang 48-anyos na babae ang binaril at napatay ng hinihinalang kaalitan niya sa isang eskinita sa Gawad Kalinga, Happy Land, Tondo, Manila kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Mary Rose Tibay Y Arsenio, may live-in at re­sidente ng Gawad Kalinga. Nasawi siya sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tinutugis naman ang isang alyas “Marlon” na sinasabing huling kausap ng biktima na tumakas matapos ang pamamaril. Ilang oras bago ang pamamaril, may nakakita na si alyas Marlon at ang biktima ay nasa mainitang pagtatalo.  

Aminado umano ang mga kaanak na gumagamit ng iligal na droga ang biktima. Magsasagawa pa ng masusing imbestigasyon para matukoy ang motibo at maaresto ang supek. May hinala rin ang mga awtoridad na may kaugnayan sa iligal na droga ang pangyayari.

Show comments