_ngayon
^

Metro

Ginang minartilyo sa ulo ng live-in partner

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labas ang utak ng isang misis matapos na martilyuhin ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Concepcion ‘Connie’ Romero, 39,  nakatalaga sa Ordinance Violation Receipt (OVR) ng Manila City Hall at residente ng A.Mirasol St., Balut Tondo. Mabilis namang tumakas ang suspek na si Roderick Capulong, 37.  

Nabatid na ang pagmamartilyo sa biktima ay nasaksihan ng 16- anyos na  anak ng nasawi.

Ayon kay P/Col. Carlo Magno Manuel  ng Manila Police District, naganap ang insidente dakong alas-2:40 ng madaling araw. Dumating sa bahay ang suspek, at nagawa pa nitong halikan ang dalawa nitong anak sa biktima.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mag-live in, hanggang sa pagpapaluin  ng suspect ng martil­yo sa ulo ang biktima.

Samantala, naglabas naman ng manhunt ope­ration si Manila Mayor Isko Moreno laban kay Capulong kasabay ng pagpapalabas ng reward na P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormas­yon sa kinaroroonan nito.

PARTNER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with