2 Indian na holdaper ng kapwa Indian, kalaboso
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Indian national na nanghoholdap umano ng kapwa nila Bom­bay na nagpapautang ang nasakote ng mga otoridad habang nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan sa isinagawang operasyon kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.

Ang mga naaresto ay sina Harjot Singh, 21 at Gurwinder Singh, 24, kapwa­ tumanggi sa pulisya na sabihin ang kanilang address dito sa Pilipinas.  Patuloy namang kinikilala ang dalawa pa nilang kasa­­mahan.

Nakilala naman ang ka­nilang mga biktima na sina Manjot Singh, 27, at Jadeeg Singh, 27, kapwa nakatira sa Northpark Subdivision, North Fairview, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-12:00 ng tanghali noong Sabado nang harangin at tangkaing hol­dapin ng apat na suspek na armado ng baton sword at bakal na baton ang biktimang si Manjot habang sakay ng kanyang motorsiklo sa may Old Zabarte Rd sa Brgy. 175, Caloocan.

Nagawa namang ma­ka­­takas ni Manjot nang magtatakbo at iwan ang kanyang motorsiklo saka dumiretso sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya para magreklamo.

Agad na rumesponde ang mga pulis at tinungo ang lugar at natiyempuhan ang dalawang suspek na nagresulta sa pagkakadakip­ sa mga ito.

Sa loob ng presinto, na­batid din na ang mga suspek ang nambugbog at tumangay ng P25,000 buhat sa biktimang si Ja­deeg na sumulpot sa pre­sinto upang ireklamo ang dalawa. 

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong Robbery Hold-up at Grave Coercion sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with