Company driver utas sa ambush
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 31-anyos na company driver habang sugatan sa stray bullet ang isang streetsweeper nang tambangan ng apat na lala­king sakay ng tatlong motorsiklo ang una sa panulukan ng Rizal Avenue at Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center subalit hindi na rin  naisalba ang  buhay  ng biktimang  si Johnny Etchore, may asawa, empleyado ng Department of Phillipine Span Asia Carrier Corporation at residente ng Quirino St., Tondo.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at sa pagkakakilanlan sa mga salarin.

Sa ulat ni P/Chief Master Sergeant Jonatrhan Bautista kay P/Captain Henry Navarro,hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente alas -5:38 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Habang nagmamaneho umano ng kulay gray na Suzuki (UE-6373) ang biktima nang dikitan ng mga suspek at paulanan ng putok.

Susunduin lamang umano ng biktima ang supervisor ng kanilang kompanya na si Marlene Daquiaog, sa Bambang light rail transit (LRT) Bambang Station na hindi na nangyari bunga nang pananam­bang.

Kasalukuyang nagwawalis  naman sa kalye ang isang Belsie Ritor, 49, ng Fugoso st., Sta. Cruz, Maynila na nadamay at tinamaan ng ligaw na bala sa tiyan at kamay.

Patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon na isinasagawa sa pangyayari.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with