Buntis, timbog sa droga

MANILA, Philippines – Isang ginang na pitong buwang buntis ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operation sa Que­zon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni acting Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo ang suspek na si Mira Bastiner, 44, nakatira sa Brgy. Damayan, Quezon City.

Si Bastiner ay inaresto dakong alas-9:30 ng gabi sa West Riverside St., Brgy. Damayan Quezon City.

Ang ginang ay kabilang sa Directorate for Intelligence (DI) drug watch list sa kanilang lugar.

Nabawi ng pulisya sa suspek ang apat na sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P30,000.

Nakakulong ngayon ang suspek sa.QCPD detention cel at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments