_ngayon
^

Metro

2 bebot timbog sa party drugs

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote na ng mga tauhan ng Makati City Police kamakalawa ng gabi ang dalawang babae na itinuturong nagtutulak ng party drug na ecstasy sa mga bar sa naturang lungsod.

Nakilala ang dalawang nadakip na sina Karylle Tecson, 32, bar manager, ng Brgy. Poblacion, Makati at si Janine Sibug, 22, entertainer, ng F.B. Harrison Street, Pasay City.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa isang bar sa kanto ng Makati Avenue at P. Burgos Street sa Brgy. Poblacion.

Nagawang makabili ng asset ng pulisya na nagpanggap na buyer ng iligal na droga dahilan para dakmain ng mga nakaantabay na mga pulis ang dalawang babae.  

Nakumpiska sa mga suspek ang 10 piraso ng tabletas na ecstasy, P3,000 buy bust money, isang shoulder bag at dalawang cellular phones na gamit sa pakikipagtransaksyon nila.

Ayon sa pulisya, pinaniniwalaan na kabilang ang dalawang babae na umiikot sa mga bar at nagpapakalat ng party drugs sa mga entertainers at maging sa mga kustomer. Ang P. Burgos sa Brgy.Poblacion ay kilalang lugar ng mga bar na pangunahing mga kustomer ay pawang mga dayuhan.

 

PARTY DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with