2 pekeng kawani ng Customs, huli sa kotong
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kalaboso ang dalawang nagpakilalang empleyado ng Bureau of Customs  na nangingikil sa mga consignee nang isinagawa   ng BOC Intelligence Group ang entrapment operation.

Kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Armed Forces of the Philippines (AFP)  at Philippine Coast Guard (PCG) inaresto sina  Gerardo Bundalian,  alyas Jerry at ang kanyang kasabwat na si Noel Panganiban  .

Ayon kay Deputy Commissioner Raniel Ramiro ng BOC – Intelligence Group (IG), nakatanggap sila ng report sa pamamagitan ng kanilang  8484 text hotline hinggil sa isang IG personnel na nangingikil sa  consignee na si Moriel.

Agad na nagsagawa  ng beripikasyon ang mga awtoridad at nang makumpirma ay plinano  ang entrapment operation.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na noong Agosto 12, 2019 ay nahingan na ng P21,000 ni alyas si Jerry si Moriel,  kapalit ng paglalabas o release ng 14 na shipment nito.

Nasundan ito noong Agosto 16, kung saan nagbigay si Moriel ng  P27,000 para mailabas ang 18 containers nito at ang pinakahuli ay nitong Setyembre 2 na nagresulta sa pagkakahuli nito.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng extortion sa piskalya.

 

CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with