Pulis sentensiyado sa investment scam
Romina Cabrera (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

Mga kabaro ang biktima

MANILA, Philippines — Isang pulis na sangkot sa isang multi-million investment scam na bumiktima sa ibang mga miyembro ng pulisya ang sinentensiyahan ng minimum na tatlong buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo makaraang mapatunayang nagkasala sa walong kaso ng estafa sa pamamagitan ng false pretense at fraudulent misrepresentation.

Kinilala sa hatol na isinulat ni Quezon City Regional Trial Court Branch 10 Presiding Judge  Editha Mina-Aguba noong Agosto 23 ang nasentensiyahang akusado na si Senior Police Officer 1 Honorio Negrito, 52, na inatasan din ng korte na magbayad ng P18-milyong danyos-pinsala.

“Isa itong klasikong kuwento ng isang investment program na umano’y nangangako ng umano’y pagbabalik ng puhunan at nag-aalok ng mataas na tubo sa loob ng napaka­ikling pana­hon na sa sob­rang husay ay nagiging hindi kapani-paniwala,” sabi ni Aguba sa kanyang hatol.

Lumabas sa imbestigas­yon na biniktima ni Negrito ang mga bagitong pulis at kahit ang mga ranking police officer na ang ilan ay namuhunan ng halos P1 milyon mula sa kanilang retirement funds.

Si Negrito na nagsimula sa naturang negosyo noong 2005 ay nangako umano ng high-interest, high income returns sa kanyang mga investor.

Para sa P100,000 investment, nangako si Negrito ng P6,000 per month returns para sa isang takdang panahon.

Naaresto ang akusado noong Hunyo ng nakaraang taon nang ipalabas ng korte ang warrant laban sa kanya na may piyansang P400,000.

 

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with