Maraming bahagi ng Metro Manila tulad ng nasa larawan ang binaha kahapon dahil sa matinding pag-ulan.
Kuha ni KJ Rosales
Dahil sa baha operasyon ng PNR suspendido
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suspendido pansamantala ang operasyon ng mga tren ng Philippine National Railways dahil na rin sa mga naranasang mga pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila na dulot ng malakas na pag-ulan kahapon ng umaga.

Sa inisyung paabiso ng PNR, nabatid na dakong alas-7:00 ng umaga nang simulang ipatigil ang operasyon para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Ipinaliwanag ni PNR Spokesperson at Operations Manager Joseline Geronimo na umabot ng 24-pulgada ang baha sa ilang istasyon ng kanilang tren sa Maynila at Makati City kaya lubhang mapanganib kung itutuloy pa nila ang kanilang biyahe.

May isa rin aniyang tren ang nagkaaberya sa bahagi ng Pedro Gil sa Maynila dahil sa naputol na kable ngunit kaagad din naman itong nasolusyunan.

Siniguro naman ni Geronimo na kaagad nilang ibabalik sa normal ang kanilang operasyon sa sandaling humupa ang mga pagbaha at matiyak nilang maayos at ligtas nang makakabiyahe ang kanilang mga tren.

 

FLOOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with