Nakilala ang nasawi na si Roldan Capillo, 33-anyos, binata, nakatira sa Area 6 Brgy. Maysan, ng naturang lungsod habang nakaratay naman sa Valenzuela City Medical Center ang angkas niyang si Rodel Corpin.
Rider tepok sa salpok ng van
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi habang sugatan naman ang angkas nito matapos silang salpuking ng isang van naganap sa isang intersection sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Roldan Capillo, 33-anyos, binata, nakatira sa Area 6 Brgy. Maysan, ng naturang lungsod habang nakaratay naman sa Valenzuela City Medical Center ang angkas niyang si Rodel Corpin.

Sumuko naman sa mga otoridad ang suspek na si Christian Idava, 26, binata, nakatira sa Sulukan St., Bubulong Malaki, San Ildefonso, Bulacan.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa may kanto ng Maysan Rd at M. Antonio St., sa Brgy. Maysan.

Parehong binabagtas ng mga biktima sakay ng isang Mio scooter at ng Isuzu van na minamaneho ni Idava ang Maysan Rd nang lumiko pakaliwa ang motor.

Dumiretso naman ng andar ang van at nabundol ang hulihan ng motorsiklo dahilan para tumilapon ang dalawang sakay nito at magtamo ng mga pinsala sa katawan.

 Nirespondehan ng mga tauhan ng rescue unit ng barangay ang mga biktima at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay si Capillo.

RIDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with