Wi-fi kiosk sa Maynila pinalitan ng pangalan

MANILA, Philippines — Dahil sa samu’t-saring puna agad na pinabago ni Manila Mayor Isko Moreno ang pangalan ng wi-fi kiosk na kabubukas lamang sa Andres Bonifacio Shrine sa Maynila.

Mula sa dating “ISKOnek”, ay ginawa itong “MNLKonek”.

Ayon kay Manila PIO chief Julius Leonen sensitibo si Moreno sa mga komento kaya’t agad na inutos nito ang pagpapalit ng pangalan ng naturang kiosk.

Ayaw ni Moreno na nakalagay ang pangalan ng sinumang pulitiko sa proyekto ng city government.

Matatandaang  una nang inutos ni Moreno ang pagtatanggal ng pangalan niya at iba pang pulitiko sa mga proyekto, sa mga pasilidad at establisyimento sa lungsod.

Show comments