Taxi driver, 1 pa timbog sa holdap
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang taxi driver at isang miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang ang nalambat ng mga awtoridad kaugnay sa  panghoholdap ng  isang milk tea house sa isinagawang dragnet operations ng Manila Police District (MPD), iniulat kahapon.

Ipinagharap na ng rek­lamong robbery/holdup sa Manila Prosecutor’s Office  ang mga suspek na kinilalang sina Danilo Leogo, 51, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang at ang taxi driver na holdaper na si Rustom Boncales, 44.

Sa ulat mula sa tanggapan ni MPD-Station 10 chief, P/Lt. Colonel Julius Anon­vo, habang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ sa Pedro Gil St., Sta. Ana, Maynila  ang kanyang mga tauhan dakong alas -10:00 ng umaga nang humingi ng saklolo ang biktimang si Nicca Jane Angeles, 18, cashier, hinggil sa dalawang holdaper na tumangay ng benta sa  Frapee Tea na sakay ng taxi.

Agad na nangalap ng CCTV sa lugar at doon nakumpirma ang holdapan at plaka ng taxi na inalarma rin ng District Tactical Ope­rations and Communication (DTOC) ang  posibleng daanan ng tumatakas na puting taxi na Toyota Vios (UVB 489).

Naispatan sa bahagi  ng Concepcion Aguila St., Sta Mesa ang  sasakyan ng mga suspek kung saan hinarang at inaresto ang mga ito.

Positibong kinilala ng biktima ang mga suspek kaya nabawi ang cellphone at cash na nasa kabuuang P11,000.

 

HOLDAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with