^

Metro

Miyembro ng BCJ, kumasa sa pulis, utas sa shootout

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) nang mapuruhan sa tama ng bala sa katawan nang tangkaing paputukan ang mga umaarestong pulis subalit naunahan siya  sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC)  si Marlon Pawaan, 42 at residente ng   C. P. Garcia St., Tondo, sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala sa bisig at isa sa kanang bahagi ng katawan mula sa baril umano ni P/Corporal Rickmon Borras ng beat patroller ng Manila Police District-Station 1.

Naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon sa tapat ng bahay sa  Coral St., Tondo. Sa imbestigasyon, unang nakatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang Don Bosco Police Community Precinct (PCP) hinggil sa isang lalaking palakad-lakad sa San Roque St., Tondo na may hawak na baril kaya rumesponde ang 5 beat patroller na kinabibilangan ni P/Cpl. Borras.

Naabutan pa  ng mga pulis na inilalagay ni Pawaan ang baril sa hawak na sling bag kaya tinangkang lapitan upang arestuhin subalit nagtatakbo ito at nakarating sa Coral St., at nang malapit nang makorner ay humarap sa direksiyon ng mga pulis at sa aktong puputok ay naunahan siyang putukan ng awtoridad na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Aminado umano ang inang si Rosalinda Pawaan na may sampung taon nang gumagamit ng iligal na droga ang anak dahil sa nararanasang depresyon simula nang mahiwalay sa asawang nagtaksil sa kaniya.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with