Vendor nalasog sa tren

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang babae na pinaniniwalaang nahagip at nakaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Manila, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Rochelle Aurelio, 44, vegetable vendor, residente ng Buenos Aires St., Sampaloc.

Sa ulat ng Manila Police District–Station 4, nadiskubre lamang ang bangkay ng biktima nang madaanan ng concerned citizen sa riles ng Philippine National Railways, sa bahagi ng Ramon Magsaysay Boulevard, sa Sampaloc, dakong alas -10:05 ng umaga ng Linggo.

Posibleng walang nakakita sa pangyayari kaya’t hindi siya nasaklolohan.  

Show comments