“The City Government of Manila will file a suspension of the entire Baclaran-Divisoria line,” ani Moreno.
KJ Rosales
Biyaheng Divisoria-Baclaran pinasususpinde ni Isko
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasususpinde ni Manila Mayor Isko Moreno sa Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang rutang Baclaran-Divisoria bunsod na rin ng patuloy na pagka-cutting trip ng mga driver nito.

“The City Government of Manila will file a suspension of the entire Baclaran-Divisoria line,” ani Moreno.

Ayon kay Moreno, ang kanyang aksyon ay  bunsod na rin ng patuloy na pagpapasaway  ng mga driver upang makaiwas sa trapik at hindi naihahatid ang mga pasahero sa kanilang destinasyon. Dumalaw sa tanggapan ni Moreno ang LTFRB.

Sinabi ni Moreno  na ito lamang ang unang petisyon na kanilang ihahain sa LTFRB at hindi umano siya magdadalawang isip na isuspinde ang iba pang public utility vehicles.

Sakaling maaprubahan ng LTFRB, hindi na papayagan ang rutang Baclaran-Divisoria na makakaapekto sa milyong pasahero at kabuhayan ng jeepney drivers.

Gayunman, sinabi ni Moreno na LTFRB na ang magdedesisyon kung hanggang kailan ipatutupad ang suspensyon.

Matatandaang pinulong ni Moreno noong Hulyo 9 ang mga lider ng asosasyon ng jeepney driver at nakiusap na tigilan ang cutting trip para sa karapatan ng mga pasahero.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with