Ayon kay Belmonte, ang pagsasagawa ng mabilis na proseso ng mga dokumento sa QC government ay nakapaloob sa kanyang 14-point agenda na target maglabas ng business permit para sa tinatawag na low-risk business sa loob ng isa hanggang dalawang araw lamang. Anya, para sa mga negosyo na kailangan ang masusing pag-aaral, hindi bababa sa isang linggo ang panahon para makapagbigay ng permit ang lokal na pamahalaan.
Boy Santos
Panawagan ni Digong vs ‘red tape’ sa LGUs, suportado ni Mayor Joy B
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ni Que­zon City Mayor Joy Belmonte ang panawagan ni Pangulong  Rodrigo Duterte para sa lahat ng local gov’t. units sa bansa na gawing  hanggang sa loob ng tatlong araw lamang ang proseso ng mga papeles upang hindi magpabalik-balik ang mga tao sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Belmonte, ang pagsasagawa ng mabilis na proseso ng mga dokumento sa  QC government ay nakapaloob sa kanyang  14-point agenda na target  maglabas ng business permit para sa tinatawag na low-risk business sa loob ng isa hanggang dalawang araw lamang. Anya, para sa mga negosyo na kailangan ang masusing pag-aaral, hindi bababa sa isang linggo ang panahon para makapagbigay ng permit ang lokal na pamahalaan.

Binigyang diin ni Belmonte na sa ganitong paraan ay mahihikayat ang mga negosyante na maglagak ng negosyo sa QC at tuloy  mawawalis ang korapsiyon sa mga transaksiyon sa lungsod.

“Kung walang ma­raming personal attachment ng mga tao sa mga empleyado, maiiwasan ang katiwalian at tiyak magiging malinis ang kanilang transaksiyon,” sabi pa ni Belmonte.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with