^

Metro

18-anyos napagkamalan, patay sa kapitbahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang 18-anyos na store helper nang malapitang barilin ng sumpak ng pahinante niyang kapitbahay matapos mapagkamalang kaaway, sa Don Bosco Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang kinilalang si Jennaro Calinawan,  residente ng JV Paz Compound, Don Bosco, Tondo sanhi ng tama ng bala sa kanang bahagi ng katawan.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Von Ryan Hernandez, alyas Bon-bon, ng nabanggit ding lugar.

Sa ulat ni Police Corporal Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas -12:15 ng madaling araw noong Sabado (Hulyo 20) sa eskinita sa JV Paz Compound, sakop ng Brgy. 123, Zone 9, District 1.

Sa imbestigasyon, bago ang pamamaril sa biktima,  nakasuntukan umano ng suspek ang isang alyas Jerome kung saan mistulang na-knocked-out’ ang suspect na nagtamo ng sugat sa ulo at namula ang kanang mata.

Nang makabangon ay sandali itong nawala at nang lumutang ay may hawak na itong sumpak  at galit na galit na naghahanap sa nakaaway  hanggang sa sumugod sa grupo ng biktima.

Dahil sa kasinglaki ng katawan ng biktima ang nakaalitan ng suspek ay agad nitong pinaputukan ng malapitan sa katawan.

Nang bumagsak ang biktima ay tumakas na ang suspek bitbit ang improvised shotgun.

Ayon sa saksi, nagulat sila nang sumusugod ang suspek na hawak ang sumpak.

Naisugod pa ng mga kaanak sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.

Kinabukasan, may nagbigay ng impormasyon sa Don Bosco Police Community Precinct (PCP) na lumutang na sa kanilang lugar ang suspek kaya tinungo ito ng mga awtoridad kung saan nadakip ang suspect.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with