^

Metro

Trike driver, ‘na-sandwich’ sa 2 sasakyan pisak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver nang ma-sandwich  sa dalawang behikulo, habang papalabas sa compound ng isang carwash sa Brgy. Oranbo, Pasig City kamakalawa.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:50 ng hapon sa loob ng compound ng carwash at junk shop, na matatagpuan sa Cpt. Henry Javier, sa Brgy. Oranbo.

Nakilala naman ang nasawi na si  Richard Adonis, 38, na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan. 

 Nauna rito, nakaparada sa loob ng compound ng carwash ang Mitsubishi Mirage na pagma-may-ari ni Alfredo Villajuan, 53, paharap sa silangang direksiyon at kina-carwash, habang nakaparada rin naman sa sidewalk ng Cpt. Henry Javier Street, ang isang  Ford Everest   na pagma-may-ari naman ni Frances Marie Saculo, 38, paharap naman sa northeast direction.

Sa hindi pa batid na kadahilanan ay bigla na lang umanong umusad ang Ford Everest patungo sa nakaparadang Mitsubishi Mirage.

Nagkataon namang sakay ng kanyang Suzuki GS 125 na tricycle (EP 7027) ang biktima, at papalabas sana ng compound, kaya’t nahagip at makaladkad ito ng umuusad na Ford Everest, bago ito tuluyang bumangga sa nakaparadang Mitsubishi Mirage.

Naipit  sa dalawang sasakyan ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito. 

vuukle comment

CRIME

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with