^

Metro

Hulidap: 2 pulis at 1 asset, arestado!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Hulidap: 2 pulis at 1 asset, arestado!
Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/MGen. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina P/Cpl. Roy Duman-ag, 27, at Patrolman Arsenio Velardo, 29, kapwa nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasig City Police, at Janus Francisco, 36, na isang police asset, na residente ng Brgy. San Miguel.

MANILA, Philippines — Arestado sa kanilang mga kabaro ang dalawang pulis at isang police asset, matapos ireklamo ng ‘hulidap’ ng isang lalaki sa Brgy.  San Miguel, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/MGen. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina P/Cpl. Roy Duman-ag, 27, at Patrolman Arsenio Velardo, 29, kapwa nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasig City Police, at Janus Francisco, 36, na isang police asset, na residente ng Brgy. San Miguel.

Kaagad namang sinibak sa pwesto ni Eleazar ang dalawang pulis at inilipat sa headquarters support unit ng NCRPO habang sumasailalim sa imbestigasyon.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, ang tatlong suspek ay inaresto matapos ireklamo ng ‘hulidap’ ng biktimang si Robert Tamondog Ignacio, 28.

Sa reklamo ng biktima, nabatid na dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Tambakan 2, M. Eusebio Avenue, Brgy. San Miguel.

Sinita umano ng mga suspek ang biktima dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Tinutukan pa umano ng baril ng mga suspek ang biktima at saka sinabihang, “Huwag kang tatakbo adik ka!”

Kinapkapan ng mga suspek ang biktima at nang makuha umano ang kanyang P850 cash money at silver na singsing ay pinakawalan na siya ng mga ito.

Kaagad namang nag­report ang biktima at kanyang mga kaanak sa mga opisyal ng Brgy. San Miguel hinggil sa pangyayari, na siyang nagpaabot ng sumbong sa mga tauhan ng Police Community Precinct 5 (PCP-5) ng Pasig City Police. Rumesponde naman sina P/Cpl Roger Gaffud at PCpl. Orlando Aldojesa, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with