Wanted sa murder huli sa Malabon
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makaraan ang halos sampung taong pagtatago, bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay nang maaresto ng mga tauhan ng Navotas City Police, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nadakip na si Noel Dialino, alyas “Totoy Bato”, 37, at nakatira sa Liwayway St., Brgy. Bayanan, ng naturang lungsod. 

Sa ulat, alas-7:45 ng gabi nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang suspek sa kanyang tinutuluyang bahay.

Bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest sa kasong Murder na nakasampa sa sala ni Judge Zaldy Docena ng Malabon Regional Trial Court Branch 170.

Sa rekord ng korte, kabilang si Dialino sa pag-atake at pagsaksak hanggang sa mapatay ang biktimang si Jaypee Ravelo Mondido noong 2009 sa lungsod ng Navotas. 

Makaraan ang krimen, nagtago na ang suspek sa iba’t ibang lugar at muling bumalik sa katabing lungsod ng Malabon nang akalain na malamig na sa kanya ang batas.

May nakapagsabi naman sa pulisya sa kinaroroonan ni Dialino kaya ikinasa ang operasyon.

MALABON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with