^

Metro

4 Chinese timbog sa pagkidnap sa kababayan

Emmanuel Tupas - Pilipino Star Ngayon
4 Chinese timbog sa pagkidnap sa kababayan
Nakilala ang mga nadakip na sina Yalong Ding, 33; Mingmeng Zhang, 24; Leilei Fang, 26 at Quishun Li, 30, na pawang sinampahan ng kasong kidnapping with ransom at serious illegal detention sa tanggapan ng DOJ.
File Photo

MANILA, Philippines — Apat na Chinese na pinaniniwalaang miyembro ng loan shark syndicate ang inaresto makaraang kidnapin at ipiit ang isa nilang kababayan na na­bigong magbayad ng utang sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Yalong Ding, 33; Mingmeng Zhang, 24; Leilei Fang, 26 at Quishun Li, 30, na pawang sinampahan ng kasong kidnapping with ransom at serious illegal detention sa tanggapan ng DOJ.

Ayon kay P/BGen. Glenn Dumlao, director ng PNP-Anti Kidnapping Group na ang apat ay sangkot sa pagdukot sa kanilang kababayan na si Li Bo, 29  sa lobby ng isang hotel-casino.

Na-rescue ang biktima matapos na humingi ng tulong sa pulisya ang kaibigan nito kung saan isinagawa ang operasyon.
Ginawa ang pagdukot makaraang hindi mabayaran ng biktima ang inutang nitong P200,000 na ipinangsugal sa casino at ang 5 porsiyento na arawang interes.

Kinontak ng mga suspects ang kaanak at mga kaibigan ng biktima para ipatubos ito. Nagpapadala rin sila ng video habang binubugbog ang biktima kaya napilitan ang mga kaanak at kaibigan na hu­mingi na ng tulong sa pulisya kung saan isinagawa ang operasyon at nasagip ito. 

vuukle comment

CHINESE ARRESTED FOR KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with