^

Metro

Kalahati ng waterways system ‘di magamit dahil barado ng basura

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kalahati ng waterways system �di magamit dahil barado ng basura
Sa datos ng MMDA, may kabuuang 689 kilomentro ang haba ng lahat ng bukas na daluyan ng tubig kabilang ang mga ilog at estero ngunit hindi pa rin makayanan ang tubig-baha dahil sa basura.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hindi magamit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos kalahati ng “waterways system” sa Kamaynilaan dahil sa barado ng basura na patuloy na dahilan ng pagbaha.

Sa datos ng MMDA, may kabuuang 689 kilomentro ang haba ng lahat ng bukas na daluyan ng tubig kabilang ang mga ilog at estero ngunit hindi pa rin makayanan ang tubig-baha dahil sa basura.

“Kung susumahin niyo po ‘yung total na haba ng mga esteros natin, it’s like Manila to Baguio back and forth. Pero ‘yung halos kalahati doon, hindi natin magamit,” ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago. 

Dahil dito, sinabi ni Pialago na hindi pa posible na maresolba ng kanilang ahensya ang problema sa baha sa Kamaynilaan.

Sinabi niya na problema rin nila ang mga “informal settlers” sa mga daluyan ng tubig at iba pang pribadong istruktura para maging epektibo ang patuloy nilang “clean-up drives.”

Tiniyak naman ni Pialago na ginagawa lahat ng MMDA ang paraan para mapababa ang tubig-baha sa mga apektadong lugar lalo ngayong tag-ulan.

Sa ilang bahagi ng Taft Avenue, nakakuha ang MMDA Flood Control team ng saku-sakong burak sa sidewalk ­drainage habang napakaraming basura pa rin ang nahahakot sa Estero De Tripa De Gallina sa Pasay City.

vuukle comment

WATERWAYS SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with