^

Metro

Cameroonian na dawit sa ‘Black Dollar Scam’, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cameroonian na dawit sa �Black Dollar Scam�, kalaboso
Ang Cameroonian na sangkot sa operasyon ng ‘Black Dollar Scam’ matapos na ireklamo ng isang negosyante na naloko niya ng nasa P12-M nang madakip ng mga tauhan ng Makati City police.

MANILA, Philippines — Arestado  ang isang lalaking Cameroonian makaraang lokohin at makatangay ng aabot sa P12 milyon halaga sa isang negosyante sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-6:30 ng gabi nang madakip ang suspek na si Serge Pierre, 35,  sa isang hotel sa Brgy. Urdaneta, ng naturang lungsod ng pag-aresto ay isinagawa base sa reklamo  ng isang 47-anyos na negosyante. 

Ayon sa biktima, inalok siya ng suspek na mag-invest ng P12 milyon sa operasyon ng kanilang grupo para maglinis ng bulto-bultong “dyed US dollar bills” na nagkakahalaga ng P250 milyon.

Ayon sa pulisya, inaalok ng sindikato ang kanilang biktima sa naturang modus kung saan sinasabi nila na nilalagyan ng dye ang mga dolyares na ipinapasok sa Pilipinas para hindi matukoy ng mga awtoridad sa mga security check sa paliparan.

Bibili ang biktima ng mga kinakailangang kemikal na mag-aalis sa dye na hindi nasisira ang pera kapalit ng malaking halaga na parte nila. Makaraang ibigay ang naturang halaga, nanghingi pa umano si Pierre  ng dagdag na P500,000. 

Dito nakahalata ang biktima na niloloko na siya ng dayuhan kaya humingi na ng tulong sa Makati City Police-Criminal Investigation Division na nagkasa ng entrapment operation.
Nakaditine na ang suspek sa Makati City Police-Central Station habang inihahanda ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanya. Nagsasagawa na rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga kasamahan ng dayuhan sa naturang modus.

vuukle comment

SERGE PIERRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with