Ipinapakita nina Police Col. Herson Digal (kaliwa) at Police Lt. Col. Giovanni Callao ang mga droga na nasamsam sa drug suspects na mag-live in partner na sina Mark Kim Cudia at Patricia Jane Dayta na nagkakahalaga ng nasa P3.4-milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Manggahan, Pasig City kahapon ng mada­ling araw.
Michael Varcas
Mag-live in tiklo sa P3.4-M shabu
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalaboso ang kinabagsakan ng isang mag-live in partner matapos masakote ng mga pulis sa isang buy-bust operation at makumpiskahan ng droga na umaabot sa P3.4-mil­yon ang halaga sa Brgy. Manggahan, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Joselito Esquivel Jr. ang mga naares­tong suspek na sina Mark Kim Cudia, 28, miyembro ng Bahala na Gang, at residente ng Brgy. Kaunlaran, Cubao, at Patricia Jane Dayta, 19, ng San Juan City.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-5:02 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Kaginhawahan St., kanto ng Kaagapay St., Karangalan Village, Brgy. Manggahan, Pasig City.

Ang naturang operasyon ay bunga umano ng naunang buy-bust operation na isinagawa ng QCPD dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa sa Apartment Corridor, na matatagpuan sa 826 Aurora Blvd., Brgy. Kaunlaran, Cubao, na nag­resulta sa pagkakadakip kina Joy Cabacungan, alyas “Madam”, 37, ng Brgy. Kaunlaran at Reynaldo Apostol, 33, ng Brgy. San Martin de Porres, na nahulihan ng 15 pakete ng shabu at buy-bust money.

Sa interogasyon, ininguso ng mga suspek si Cudia na siyang pinagkukuhanan nila ng suplay ng ilegal na droga.

Kaagad namang nagsagawa ng panibagong buy-bust operation ang mga awtoridad at bumili ng P20,500 halaga ng shabu mula kay Cudia, na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya at sa kanyang kinakasama na si Dayta.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 500 gramo ng shabu na tinatayang may street value na P3,400,000, digital weighing scale, isang Suzuki Raider motorcycle at buy-bust money.

Nabatid na noong 2017 ay naaresto na rin si Cudia sa parehas na kaso ngunit nakalaya dahil sa Plea Bargaining noong Nobyembre 2018.

Ang mga suspek ay pawang nakakulong na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ILLEGAL DRUGS SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with