Umaapela ngayon ng tulong ang pamilya ni Minerva Rusia Aberia, 59, grade 6 English Teacher ng P. Paez Elementary School sa Tondo Maynila.
facebook
Guro patay sa sobrang pagod sa Brigada Eskwela
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

Tulong hiling ng pamilya

MANILA, Philippines — Isang public school teacher na sinasabing nasobrahan ng pagod sa paglilinis sa kanyang silid-aralan na bahagi ng Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) ang nasawi matapos maputukan ng ugat sa kanyang ulo.

Umaapela ngayon ng tulong ang pamilya ni Minerva Rusia Aberia, 59, grade 6 English Teacher ng P. Paez Elementary School sa Tondo Maynila.

Bago nasawi si Teacher Minerva nitong June 13, 2019 ay naratay muna siya ng mahigit tatlong linggo sa ospital.

Nabatid na nitong nakalipas na Brigada Eskwela ay mag-isang nilinis ni teacher Minerva ang kanyang silid-aralan hanggang makaramdam ng matinding kirot sa kanyang ulo at unti-unting nanghina.

Isinugod sa Hospital at doon nalaman na pumutok ang ugat nito sa kanyang ulo at sumailalim sa maselang operasyon at sa loob ng tatlong linggo ay tuluyang nalagutan ng hininga.

Mahigit sa tatlong dekada nang nagtuturo sa pampublikong paaralan ang ginang at sana sa pagtatapos ng school year 2019-2020 ay magreretiro na ito.

Umaasa naman ang pamilya ng guro na tutulu­ngan sila ng DepEd na una nang ipinangako sa kanila.

BRIGADA ESKWELA DEPARTMENT OF EDUCATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with