Ito naman ang babala ni incoming Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bunsod na rin ng mga reklamong pangongotong at pangingikil ng mga barangay officials sa mga street vendors, sidecar boys at pedicab drivers.
Posas sa extortionist na barangay official-Isko
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posas at kasong administratibo ang kakaharapin ng mga barangay officials na kotongero.

Ito naman ang babala ni incoming Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bunsod na rin ng mga reklamong pangongotong at pangingikil ng mga barangay officials sa mga street vendors, sidecar boys at pedicab drivers.

“Itigil niyo na po ‘yan. I have no choice but to arrest you and poposasan namin kayo. Hindi po namin hahayaan sa bagong gobyerno ng Lungsod ng Maynila na panonoorin ko na lamang ang pang-aabuso ninyo,” ani Domagoso.

Samantala, aminado si Domagoso na malaking hamon sa kanyang panunungkulan ang pagpapairal ng disiplina sa mga vendors at sidecar boys.

Aniya nahirati na ang mga vendors, sidecarboys at pedicab drivers sa maling sistema na nagresulta sa walang tigil na pang-aabuso.

Pag-aaralan nila kung anong sistema ang dapat na gawin at ipatupad upang mabigyan ng hanapbuhay ang vendors at sidecar boys ng hindi nakakaapekto sa publiko at pagbabagong hangad ng kanyang administrasyon.  

EXTORTION ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with