Ginang nilooban, patay sa ‘akyat bahay’

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang ginang ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay na hinihinalang  biktima   nang panloloob, kamakalawa sa Parañaque City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Cristina Escaña Torres, 29, ng Saint Jude Street, Multinational Village, Brgy. Moonwalk ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni P/Brig. Gen. Eliseo Cruz, director ng Southern Police District (SPD), base sa salaysay  sa pulisya ng mister ng biktima na si Noel Torres, alas-9:15 ng umaga nang huli niyang makitang buhay ang misis habang nag-aayos pa ito ng kanyang pambaon sa opisina.

Ayon kay Noel, alas-4:11 ng hapon, pag-uwi niya ng kanilang bahay ay doon  tumambad sa kanya na wasak ang  vault na nasa master bedroom at nagkalat ang kanilang mga personal na gamit.

Hanggang sa nakita niya ang kanyang asawa na nakahandusay sa sahig na  wala ng buhay, kung kaya’t humingi ito ng saklolo  sa kanilang kapitbahay para  humingi ng tulong sa pulis.

Sa ngayon ay patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa insidente.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with