^

Metro

Babae kinatay ng binasted na manliligaw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Babae kinatay ng binasted na manliligaw

Bangkay isinilid sa sako

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 22-anyos na babaeng supervisor sa isang supermarket matapos katayin na parang hayop at isinilid ang bangkay nito sa isang sako ng manliligaw na pinaniniwalaang kanyang binasted naganap sa Muntinlupa City, nitong Sabado ng umaga.

May malalim na sugat sa ulo, wakwak ang tiyan, laslas ang kamay at halos matanggal na ang daliri ng biktimang si Sheva Adare Mae Prementil, 22-anyos, at tubong Bukidnon nang matagpuan sa storage room ng Buko Island sa may No. 059-H Nofuente Compound, Purok 2, Brgy. Cupang, ng naturang lungsod.

Ikinasa naman agad ng Muntinlupa City Police ang manhunt operation sa suspek na si Alexander Morpuz, 23-anyos, nakatira sa bodega kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.

Sa ulat, alas-11:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Prementil na nakasilid sa isang sako ng kanyang tiyuhin at ama ni Morpuz sa bodega matapos mapansin ng housemate ng biktima na duguan ang kanyang kama.

Nang panoorin ang kuha ng closed circuit television (CCTV) camera, nakita si Morpuz na naghahatak ng isang sako mula sa bahay na tinutuluyan ng biktima dakong alas-3:00 ng mada­ling araw.

Nabatid sa imbestigas­yon na dating nililigawan ni Morpuz ang biktima ngunit binasted umano ito.

Nabatid din na anim na buwan pa lang na nakatira sa lugar ang suspek habang isang taon nang nangu­ngupahan ang biktima sa bahay na katabi ng bodega.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with