^

Metro

Isko, MMDA lulutasin ang problema sa basura sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Isko, MMDA lulutasin ang problema sa basura sa Maynila
Ayon kay Moreno lubos ang kanilang pasasalamat ni Vice Mayor Honey Lacuna sa suportang ibinigay ng MMDA upang resolbahin ang problema sa basura na nakikita sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.

MANILA, Philippines — Magsasanib-puwersa  sina Mayor elect Isko Moreno at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa paglutas ng malaking problema ng lungsod sa basura.

Ayon  kay Moreno lubos ang kanilang pasasalamat ni Vice Mayor Honey Lacuna sa suportang ibinigay ng MMDA upang resolbahin ang problema sa basura na nakikita sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.

Giit ni Moreno, malaking tulong sa kanila ni Lacuna ang paghahayag ng suporta ng MMDA lalo pa’t nakasanayan na ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.

Sinabi pa ni Moreno na nagsasagawa na sila ng pagpaplano at konsultasyon  upang maging epektibo ang  sistema sa sandaling magsimula ang kanyang panunungkulan sa Hulyo.

Paliwanag ni Moreno isa sa kanilang sistema ay  segregation kung saan ang mga plastic at iba pang mapakikinabangan ay papalitan ng city government ng coupon para sa araw-araw na pagkain.

Naniniwala si Moreno na isa sa mga pangunahing problema ng pamilya ay ang pagkain sa araw-araw. Tiniyak ni  Moreno na may ayuda ang city government sa bawat Manilenyo. 

vuukle comment

ISKO MORENO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with