10 dakma sa drug ops

Sa ulat, alas-10:10 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City Police sa may Compound 2 Blk 3 Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod kung saan natiklo ang mga suspek na sina Leo Alzate, 28 at John Michael Montevirgin, 18.

MANILA, Philippines — Kalaboso ang sampung katao matapos masakote sa isinagawang magkakasunod na drug bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela simula kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas-10:10 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City Police sa may Compound 2 Blk 3 Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod kung saan natiklo ang mga suspek na sina Leo Alzate, 28 at John Michael Montevirgin, 18.  Nakumpiska sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng shabu, P200 marked money at P200 pang pera.

Alas-12:10 ng mada­ling araw naman nang madakip sa may kanto ng Lapu-Lapu Avenue at Pampano Street sa Brgy. Longos, Malabon ang mga drug suspect na sina Frederick Acol, 40 at Enrico Salangsang, 44.  Apat na plastic sachet ng shabu at isang portable na timbangan naman ang nakumpiska sa kanila ng mga pulis.

Sa Caloocan, alas-11:55 ng gabi nang maaresto sa isa pang buy-bust operation sa may Pla-Pla St. sa Brgy. 12 ang mga suspek na sina Paolo Duran, 42; Jennifer Copada, 34; at Roger Angeles, 57.

Nauna dito dakong alas-8:30 ng gabi, huli sa akto sa pot session sa loob ng bahay sa may Area C Waling-Waling St. Brgy. 174 ang mga drug user na sina Emily Brillantes, 42, kasambahay; Norvick Dela Cruz, 18 at John Robert Seniedo, 26.

Himas-rehas na nga­yon ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Show comments