^

Metro

Ret. pulis, patay sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ret. pulis, patay sa tandem
Nakilala ang napaslang na si Benjamin Ramos, 54, dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Brgy. Ta-ngos, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis ang nasawi makaraang tambangan ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakilala ang napaslang na si Benjamin Ramos, 54, dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng  Brgy. Ta-ngos, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Navotas City Police, naganap ang krimen dakong alas-7 ng gabi sa kanto ng M. Naval Street at Rajah Bagunda Street sa Brgy. Daanghari sa naturang lungsod.  Sakay ang biktima ng isang motorsiklo nang harangin siya ng mga salarin at agad na putukan ng baril.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Brgy. San Roque nang duguang bumulagta ang biktima. Bigo na mailarawan ang hitsura ng mga salarin dahil sa kapwa nakasuot ng helmet at itim na jacket.

Sa paunang imbestigasyon, kilalang sabungero ang biktima at pinagbawalan nang pumasok sa Matadero Cockpit Arena sa Navotas dahil sa ugali nito na palaging minumura ang mga may-ari ng manok na kanyang tinatayaan kapag natatalo.

vuukle comment

CRIME

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with