Kinilala ang suspek na isang Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Wisconsin USA at nakatira sa Merville, Parañaque City, na sinasabing may-ari ng kargamento galing China.
Fil-Am, timbog sa liquid marijuana
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Filipino-American matapos niyang i-claim  ang 30 pirasong vape cartridge na may lamang liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na isang Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Wisconsin USA at nakatira sa  Merville, Parañaque City, na sinasabing may-ari ng kargamento galing China.

Ayon sa ulat, dumaan sa inisyal na pagsusuri ng Customs at PDEA ang mga cartridge na idinekla­rang chocolate.

Ang 30 pirasong vape cartridge ay positibo sa liquid marijuana na may street value P45,000 at sinasabing ipinadala ng isang Michael Arash Abedzadeh ng Shanghai China. 

Si Alfonso ay pansamantalang pinigil ng PDEA sa Central Mail Exchange habang pinoproseso ang final lab-test sa nasabing package.

LIQUID MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with