Iligal na Intsik sa Boracay, hulihin
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela si Magdalo Rep. Gary Alejano sa  Bureau of Immigration, Department of Labor and Employment at lokal na pamahalaan na magkasa ng crackdown laban sa mga undocumented Chinese sa isla ng Boracay.

Ang apela ni Alejano ay bunsod sa napaulat na pagdami ng bilang ng mga nagsulputang Chinese business establishment sa nasabing isla.

Hiniling din ng kongresista sa BI at DOLE na mahigpit na ipatupad ang immigration at labor laws para agad na masolusyunan ang nasabing problema.

Iginiit pa niya na mistulang ninakaw na umano ng mga Tsinoy ang trabaho at pagkakakitaan ng mga Pilipino sa Boracay.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT GARY ALEJANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with