^

Metro

‘Tulak’ kumasa sa aresto, dedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli nang buhay ang isang ‘tulak’ ng iligal na droga makaraang mapatay ng mga pulis sa isang engkuwentro habang nadakip ang kanyang live-in partner, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nakilala ang napaslang na si Oliver Pabaya, 37, tricycle driver, habang nadakip ang kanyang kinakasama na si Ma. Cristina San Mi­guel, 30, kapwa nakatira sa Dulong Tangke St., Malinta, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay nina Pabaya at San Miguel.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu at nagawang makabili ng shabu ngunit nakahalata ang suspek na umano’y nag­bunot ng baril at pina-putukan ang mga pulis.

Hindi tinamaan ang mga pulis na gumanti ng putok at nagresulta sa pagkakapaslang kay Pabaya.  Isang kalibre .38 baril na may isang bala na hindi pumu­tok ang nasa chamber at loaded pa ng apat na bala ang narekober bukod pa sa hindi pa makumpirma na dami ng shabu at P1,000 buy bust money.

 Dinala ang sugatang biktima sa Valenzuela City Medical Center ngunit hin-di na umabot ng buhay.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with